Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 33:18-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Tungkol kina Zebulun at Isacar ay sinabi:“Magtagumpay nawa si Zebulun sa pangangalakal sa karagatan,at sa bayan ni Isacar ay dumami ang kayamanan.

19. Ang ibang mga bansa ay dadalosa paghahandog ninyo doon sa bundok,pagkat ang yaman nila'y buhat sa dagatat sa buhanginan sa baybay nito.”

20. Tungkol kay Gad ay sinabi:“Purihin ang Diyos na nagpalawak ng lupain ni Gad.Si Gad ay parang leon na nag-aabangat handang sumakmal ng leeg o kamay.

21. Pinili nila ang pinakamainam na lupain,lupaing nababagay sa isang pangunahin.Sumama siya sa mga pinuno ng Israelupang mga utos ni Yahweh ay kanilang tuparin.”

22. Tungkol kay Dan ay sinabi:“Isang batang leon ang katulad ni Dan,na palukso-lukso mula sa Bashan.”

23. Tungkol kay Neftali ay sinabi:“Lubos na pinagpala ni Yahweh itong si Neftali,mula sa lawa hanggang timog ang kanilang kaparte.”

24. Tungkol kay Asher ay sinabi:“Higit na pinagpala kaysa ibang lipi itong si Asher,kagiliwan sana siya ng mga anak ni Israel.Sumagana sa langis olibo ang kanyang lupain.

25. Bakal at tanso sana ang pintuan ng iyong mga bayan.Maging mahaba at matatag nawa ang iyong pamumuhay.”

26. Ang iyong Diyos, O Israel, ay walang kagaya,mula sa langit dumarating upang tulungan ka.