Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 33:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang mga pagpapalang binigkas ni Moises na lingkod ng Diyos, bago siya namatay.

2. “Dumating si Yahweh mula sa Bundok Sinai.Sumikat sa Edom na parang araw,at sa bayan niya'y nagpakita sa Bundok Paran.Sampung libong anghel ang kanyang kasama,nagliliyab na apoy ang nasa kanang kamay niya.

3. Minamahal ni Yahweh ang kanyang bayanat iniingatan ang kanyang hinirang.Kaya't yumuyukod kami sa kanyang paanan,at sinusunod ang kanyang kautusan.

4. Binigyan kami ni Moises ng kautusan,na siyang yaman ng aming bayan.

5. Naging hari si Yahweh ng Israel na kanyang bayang hirang,nang ang mga pinuno ng mga lipi nito ay nagkakabuklod.

6. “Ang lipi ni Ruben sana'y manatili,kahit ang bilang niya'y kakaunti.”

7. Tungkol kay Juda ay ganito ang sinabi:“Dinggin mo, Yahweh, ang daing nitong Juda,ibalik mo siya sa piling ng kanyang bayan,at tulungan siya sa pakikipaglaban.”

8. Tungkol kay Levi ay kanyang sinabi:“Ang Tumim ay kay Levi, ang Urim ay sa tapat mong alipin;sa kanya na iyong sinubok sa Masah at sa may tubig ng Meriba.

9. Higit ka niyang pinahalagahan kaysa kanyang mga magulang,pati anak at kapatid ay hindi isinaalang-alang.Upang masunod lang ang iyong kautusan,at maging tapat sa iyong kasunduan.