Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 32:7-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. “Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon;tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin,pati ang matatanda at kanilang sasaysayin.

8. Nang ipamahagi ng Kataas-taasang Diyos ang ipapamanang lupain,nang ang mga bansa'y kanyang hati-hatiin,mga hangganan nito'y kanyang itinakda ayon sa dami ng mga anak niya.

9. Pagkat ang lahi ni Jacob ay kanyang pinili,sila ang kanyang tagapagmanang lahi.

10. “Sa isang disyerto sila'y kanyang natagpuan,sa isang lupang tigang at walang naninirahan.Doon sila'y kanyang pinatnubayan,binantayan at doo'y inalagaan.

11. Isang inahing agila, ang kanyang katulad,sila'y mga inakay na tinuruan niyang lumipad;upang ang Israel ay hindi bumagsak,sinasalo niya ng malalapad niyang pakpak.

12. Si Yahweh lamang ang sa kanila'y pumatnubay,walang diyos na banyaga ang sa kanila'y dumamay.

13. “Kanyang pinagtagumpay sila sa kaburulan,sila'y kumain ng mga ani sa kabukiran.Nakakuha sila ng pulot sa mga batuhan,nakahukay rin ng langis sa lupang tigang.

14. Kanilang mga baka't kambing ay sagana sa gatas;pinakamainam ang kanilang kawan, trigo, at katas ng ubas.

15. “Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog;ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran,at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.

16. Pinanibugho nila si Yahweh dahil sa mga diyus-diyosan.Poot niya'y pinag-alab sa pagsambang kasuklam-suklam.

17. Naghain sila ng handog sa mga demonyo,sa mga diyus-diyosang hindi nila alam kung ano;ngayon lamang dumating mga diyos na bago,na hindi sinamba ng kanilang mga lolo.

18. Iniwan ninyo ang batong tanggulan na sa inyo'y nagdalang-tao,kinalimutan ninyo ang Diyos na tunay na sa inyo ay nagbigay-buhay.

19. “Nang makita ni Yahweh ang ginawa nilang ito, napuspos siya ng galit,poot niya'y nag-alimpuyo laban sa mga anak na inari niyang totoo.

20. ‘Kaya't ako'y lalayo,’ ang sabi niya,‘Kanilang mga dalangin di na diringgin pa,tingnan ko lang ang kanilang sasapitin—isang lahing suwail, mga anak na taksil.