Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 32:47-52 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

47. Mahalaga ang mga salitang ito sapagkat dito nakasalalay ang inyong buhay. Kung susundin ninyong mabuti, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing sasakupin ninyo sa kabila ng Jordan.”

48. Nang araw ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Moises,

49. “Umakyat ka sa Abarim, sa Bundok ng Nebo na sakop ng Moab, sa tapat ng Jerico, at tanawin mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita.

50. Doon ka mamamatay sa bundok na iyon tulad ng nangyari kay Aaron sa Bundok ng Hor,

51. sapagkat sinuway ninyo ako sa harapan ng bayang Israel noong sila'y nasa tabi ng tubig sa Meriba-kades sa ilang ng Zin. Hindi ninyo pinakita sa mga Israelita na ako ay banal.

52. Matatanaw mo ang lupaing ibibigay ko sa bayang Israel ngunit hindi mo ito mararating.”