Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 32:41-46 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

41. Hahasain ko ang aking tabak na makinangupang igawad ang aking katarungan.Mga kaaway ko'y aking paghihigantihan,at sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam.

42. Sa aking mga palaso dugo nila'y dadanak,laman nila'y lalamunin nitong aking tabak;hindi ko igagalang sinumang lumaban,tiyak na mamamatay bilanggo ma't sugatan!’

43. “Mga bansa, bayan ni Yahweh'y inyong papurihan,mga pumapatay sa kanila'y kanyang pinaparusahan.Ang kanilang mga kaaway kanyang ginagantihan,at pinapatawad ang kasalanan ng kanyang bayan.”

44. Ito nga ang inawit nina Moises at Josue sa harapan ng mga Israelita.

45. Pagkatapos bigkasin ni Moises ang lahat ng ito sa harap ng buong bayan ng Israel,

46. sinabi niya, “Itanim ninyo sa isip ang mga salitang narinig ninyo sa akin ngayon. Ituro ninyo sa inyong mga anak, upang masunod nilang mabuti ang buong kautusan.