Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 32:36-44 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

36. Bibigyan ng katarungan ni Yahweh ang kanyang bayan,mga lingkod niyang hirang kanyang kahahabagan.Kapag nakita niyang sila'y nanghihina,at lakas nila'y unti-unting nawawala.

37. Pagkatapos itatanong ng Diyos sa kanyang bayan,‘Nasaan ngayon ang inyong mga diyos,tanggulang inyong pinagkatiwalaan?

38. Sinong umubos sa taba ng inyong handog,at sino ang uminom ng alak ninyong kaloob?Bakit hindi ninyo sila tawagin at tulong ay hingin?Hindi ba nila kayo kayang sagipin?

39. “‘Alamin ninyong ako ang Diyos—Oo, ako lamang.Maliban sa akin ay wala nang iba pa.Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay,ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman.Wala nang makakapigil, anuman ang aking gawin.

40. Isinusumpa ko ito sa harap ng kalangitan, habang ako'y nabubuhay,Diyos na walang hanggan.

41. Hahasain ko ang aking tabak na makinangupang igawad ang aking katarungan.Mga kaaway ko'y aking paghihigantihan,at sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam.

42. Sa aking mga palaso dugo nila'y dadanak,laman nila'y lalamunin nitong aking tabak;hindi ko igagalang sinumang lumaban,tiyak na mamamatay bilanggo ma't sugatan!’

43. “Mga bansa, bayan ni Yahweh'y inyong papurihan,mga pumapatay sa kanila'y kanyang pinaparusahan.Ang kanilang mga kaaway kanyang ginagantihan,at pinapatawad ang kasalanan ng kanyang bayan.”

44. Ito nga ang inawit nina Moises at Josue sa harapan ng mga Israelita.