Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 32:15-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. “Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog;ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran,at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.

16. Pinanibugho nila si Yahweh dahil sa mga diyus-diyosan.Poot niya'y pinag-alab sa pagsambang kasuklam-suklam.

17. Naghain sila ng handog sa mga demonyo,sa mga diyus-diyosang hindi nila alam kung ano;ngayon lamang dumating mga diyos na bago,na hindi sinamba ng kanilang mga lolo.

18. Iniwan ninyo ang batong tanggulan na sa inyo'y nagdalang-tao,kinalimutan ninyo ang Diyos na tunay na sa inyo ay nagbigay-buhay.

19. “Nang makita ni Yahweh ang ginawa nilang ito, napuspos siya ng galit,poot niya'y nag-alimpuyo laban sa mga anak na inari niyang totoo.

20. ‘Kaya't ako'y lalayo,’ ang sabi niya,‘Kanilang mga dalangin di na diringgin pa,tingnan ko lang ang kanilang sasapitin—isang lahing suwail, mga anak na taksil.