Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 32:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Pakinggan mo, langit, ang aking sasabihin,unawain mo, lupa, ang aking bibigkasin.

2. Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking ituturo,ang salita ko nawa'y tulad ng hamog na namumuo;upang halama'y diligan at damo'y tumubo.

3. Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin,ang kanyang pangalan ay inyong dakilain.

4. “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan,mga gawa niya'y walang kapintasan,mga pasya niya'y pawang makatarungan;siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.