Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 31:28-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Pupulungin ko ang inyong matatanda at ang inyong mga pinuno. Ipapaliwanag ko sa kanila ang mga bagay na ito, at gagawin kong saksi ang langit at lupa laban sa kanila.

29. Sapagkat natitiyak kong kayo'y magpapakasama pagkamatay ko, lilihis kayo sa daang itinuro ko sa inyo. Darating ang araw na magagalit sa inyo si Yahweh dahil gagawin ninyo ang pinakaaayawan niya.”

30. Ito ang kabuuan ng awit na ipinarinig ni Moises sa mga Israelita: