Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 3:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Nagpatuloy tayo papuntang Bashan ngunit pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Bashan.

2. Sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Huwag kayong matakot sa kanya sapagkat matatalo ninyo sila tulad ng ginawa ninyo kay Haring Sihon ng Hesbon at sa mga Amoreo.’

3. “Sa tulong ni Yahweh, natalo nga natin si Haring Og at ang buong Bashan; wala tayong itinirang buháy isa man sa kanila.

4. Nasakop natin ang animnapu nilang lunsod sa Argob, ang buong kaharian ni Og sa Bashan,

5. ang maraming maliliit na nayon, at ang malalaki nilang lunsod na napapaligiran ng pader.