Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 28:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Kung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa.

2. Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh.

3. “Pagpapalain niya kayo sa inyong mga bayan at sa inyong mga bukid.

4. “Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani sa inyong lupain, at maraming alagang hayop.

5. “Pagpapalain niya ang imbakan ng inyong inaning butil at ang mga pagkaing nagmumula roon.

6. “Pagpapalain niya kayo sa lahat ng inyong gagawin.

7. “Ang mga kaaway na magtatangkang lumaban sa inyo ay matatalo ninyo sa tulong ni Yahweh. Sasalakayin nila kayo ngunit magkakanya-kanya sila sa pagtakas.

8. “Pagpapalain niya ang inyong mga kamalig at lahat ng inyong gawain; pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.

9. “Tulad ng pangako ni Yahweh, kayo'y gagawin niyang isang bansang matatag at nakalaan sa kanya kung susundin ninyo siya at tutuparin ang kanyang mga tuntunin.