19. “‘Sumpain ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
20. “‘Sumpain ang sinumang nakikipagtalik sa ibang asawa ng kanyang ama, sapagkat inilalagay niya sa kahihiyan ang kanyang sariling ama.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
21. “‘Sumpain ang sinumang makipagtalik sa anumang uri ng hayop.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
22. “‘Sumpain ang sinumang sumiping sa kanyang kapatid na babae, kahit pa ito'y kapatid sa ama o sa ina.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
23. “‘Sumpain ang sinumang sumiping sa kanyang biyenang babae.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’