14. Ganito naman ang isisigaw ng mga pari:
15. “‘Sumpain ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’“Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’
16. “‘Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
17. “‘Sumpain ang sinumang gumalaw sa palatandaan ng hangganan ng lupang pag-aari ng kanyang kapwa.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
18. “‘Sumpain ang sinumang magligaw sa bulag.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
19. “‘Sumpain ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
20. “‘Sumpain ang sinumang nakikipagtalik sa ibang asawa ng kanyang ama, sapagkat inilalagay niya sa kahihiyan ang kanyang sariling ama.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
21. “‘Sumpain ang sinumang makipagtalik sa anumang uri ng hayop.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
22. “‘Sumpain ang sinumang sumiping sa kanyang kapatid na babae, kahit pa ito'y kapatid sa ama o sa ina.’“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’