Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 26:3-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Haharap kayo sa paring nakatalaga roon at inyong sasabihin, ‘Kinikilala ko ngayon sa harap ni Yahweh na ako'y nakarating na sa lupaing ipinangako niya sa aming mga ninuno.’

4. “Kukunin naman ng pari ang basket at ilalagay sa harap ng altar.

5. Pagkatapos ay bibigkasin ninyo ang mga salitang ito sa harapan ni Yahweh:‘Isang pagala-galang Arameo ang aking ninuno. Dinala niya ang kanyang pamilya sa Egipto upang manirahan doon. Kakaunti lamang sila nang magpunta doon, ngunit sila'y dumami nang dumami at naging isang malaki at makapangyarihang bansa.

6. Pinagmalupitan kami at inalipin ng mga Egipcio.

7. Kaya't humingi kami ng tulong kay Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno. Dininig niya kami at nakita niya ang aming pagdurusa, kahirapan at kaapihang dinaranas.

8. Inilabas kami ni Yahweh mula sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, ng mga kakila-kilabot na gawa at mga kababalaghan

9. at dinala sa lupaing ito na mayaman at sagana sa lahat ng bagay.