Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 25:14-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Huwag din kayong gagamit ng dalawang uri ng takalan, isang malaki at isang maliit.

15. Ang tamang pabigat ang gagamitin ninyo sa timbangan, at ang gagamiting takalan ay iyong husto sa sukat upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh.

16. Lahat ng mandaraya ay kasuklam-suklam kay Yahweh na inyong Diyos.

17. “Huwag ninyong kalilimutan ang ginawa ng mga Amalekita sa inyo nang kayo'y naglalakbay mula sa Egipto.

18. Wala silang takot sa Diyos. Sinalakay nila kayo nang kayo'y lupaypay sa hirap, at pinuksa ang mga kasamahan ninyo sa hulihan.

19. Kapag nalupig na ninyo ang lahat ng inyong mga kaaway at panatag na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, ubusin ninyo ang lahi ng mga Amalekita roon. Huwag ninyo itong kalilimutan.