Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 25:10-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. At ang sambahayan ng lalaking ito'y makikilala sa buong Israel sa tawag na, Ang Sambahayan ng Lalaking Hinubaran ng Sandalyas.

11. “Kapag may dalawang lalaking nag-aaway at ang asawa ng isa ay lumapit upang tulungan ang kanyang asawa at dinaklot ang ari ng kalaban,

12. puputulin ang kamay ng babaing iyon; hindi siya dapat kaawaan.

13. “Huwag kayong gagamit ng dalawang uri ng pabigat sa timbangan, isang mabigat at isang magaan.

14. Huwag din kayong gagamit ng dalawang uri ng takalan, isang malaki at isang maliit.