Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 25:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Kapag may usaping iniharap sa hukuman, at napawalang-sala ang walang kasalanan at nahatulan ang may sala,

2. at kung ang angkop na parusa ay hagupit, padadapain ng hukom ang may sala, at hahagupitin ayon sa bigat ng kanyang kasalanan.

3. Apatnapu ang pinakamaraming hagupit na maaaring ibigay sa may sala; ang higit dito ay paghamak na sa kanyang pagkatao.

4. “Huwag ninyong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.