Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 23:4-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. sapagkat hindi nila kayo binigyan ng pagkain at inumin nang kayo'y naglalakbay mula sa Egipto. Bukod dito, inupahan pa nila si Balaam na anak ni Beor na taga-Petor sa Mesopotamia para sumpain kayo.

5. Gayunman, hindi siya dininig ng Diyos ninyong si Yahweh. Sa halip, pinagpala niya kayo sapagkat mahal kayo ni Yahweh.

6. Kailanma'y huwag ninyo silang tutulungan upang sila'y maging mapayapa o masagana.

7. “Huwag ninyong kasusuklaman ang mga Edomita sapagkat sila'y mga kapatid ninyo; gayundin ang mga Egipcio sapagkat kayo'y nanirahan sa kanilang lupain.

8. Maaaring ibilang sa sambayanan ni Yahweh ang ikatlong salin ng kanilang lahi.

9. “Sa panahon ng digmaan, umiwas kayo sa anumang maaaring magparumi sa inyo sa loob ng inyong kampo.

10. “Kapag nilabasan ng sariling binhi ang isang lalaki habang natutulog, lalabas siya ng kampo at hindi muna babalik.