Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 2:2-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. “Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh,

3. ‘Matagal na rin kayong nagpapaikut-ikot sa kaburulang ito. Ngayon, lumakad na kayo papuntang hilaga.

4. Dadaan kayo sa Seir, ang lupain ng mga kamag-anak ninyo, ang lahi ni Esau. Takot sila sa inyo ngunit mag-ingat pa rin kayo.

5. Huwag ninyo silang kakalabanin sapagkat kapiraso man ng lupain nila'y hindi ko ibibigay sa inyo. Ibinigay ko na sa lahi ni Esau ang kaburulan ng Seir.

6. Bibilhin ninyo ang pagkain at inuming kukunin ninyo sa kanila.’