Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 2:15-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Patuloy silang nilabanan ni Yahweh hanggang malipol silang lahat.

16. “Nang wala na ngang natitira sa mga mandirigma ng lahing iyon,

17. sinabi sa akin ni Yahweh,

18. ‘Ngayon ay tumawid kayo sa Ar, sa hangganan ng Moab.

19. Pagdaan ninyo sa lupain ng mga anak ni Ammon, huwag ninyo silang guguluhin o didigmain sapagkat kapiraso man ng lupa nila'y hindi ko ibibigay sa inyo. Ibinigay ko na iyon sa mga anak ni Lot.’”(

20. Ang lupaing iyon ay dating sakop ng mga Refaim, na ang tawag ng mga Ammonita ay Zamzumim.

21. Marami rin sila at malalaking tulad ng mga higante. Ngunit pinuksa sila ni Yahweh; kaya't itinaboy sila ng mga Ammonita upang ang mga ito ang tumira roon.

22. Gayundin ang ginawa ni Yahweh sa lahi ni Esau nang ang mga ito'y magpunta sa Seir; itinaboy niya ang mga taga-Hor at ang lahi ni Esau ang nanirahan roon.

23. Ang mga taga-Awim naman sa Gaza ay itinaboy ng mga taga-Caftor at sila ang tumira roon.)