Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 2:11-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Tulad ng mga higante, kilala rin sila sa tawag na Refaim, ngunit Emita ang tawag sa kanila ng mga Moabita.

12. Dati, nakatira rin sa Seir ang mga taga-Hor, ngunit pinuksa sila ng mga anak ni Esau, at sila ang nanirahan roon, tulad ng ginawa ng mga Israelita sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh.)

13. “‘Ngayon nga'y magpatuloy kayo; tumawid kayo sa batis ng Zared.’ At ganoon nga ang ginawa natin.

14. Tatlumpu't walong taon ang nakalipas mula nang umalis tayo sa Kades-barnea hanggang sa pagtawid natin sa Zared. Tulad ng isinumpa ni Yahweh, walang natira sa mga mandirigma ng salinlahing iyon.

15. Patuloy silang nilabanan ni Yahweh hanggang malipol silang lahat.

16. “Nang wala na ngang natitira sa mga mandirigma ng lahing iyon,

17. sinabi sa akin ni Yahweh,

18. ‘Ngayon ay tumawid kayo sa Ar, sa hangganan ng Moab.