Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 18:16-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ito ang kasagutan sa hiling ninyo kay Yahweh nang kayo'y nagkakatipon sa Sinai. Ang sabi ninyo, ‘Huwag mo nang iparinig pang muli sa amin ang tinig ni Yahweh ni ipakita ang kakila-kilabot na apoy na ito sapagkat tiyak na mamamatay kami.’

17. Sinabi naman niya sa akin, ‘Tama ang sabi nila,

18. kaya mula sa kanila, pipili ako para sa kanila ng isang propetang katulad mo. Sasabihin ko sa kanya ang aking kalooban, at siya ang magsasabi nito sa mga tao.

19. Sinumang hindi makinig sa kanya na nagsasalita para sa akin ay mananagot sa akin.

20. Ngunit ang sinumang propetang magsalita para sa ibang diyos o kaya'y magkunwaring nagsasalita para sa akin subalit hindi ko naman inatasan, ang propetang tulad niyon ay dapat patayin.’

21. “Upang matiyak ninyo kung ang sinabi ng propeta ay galing kay Yahweh o hindi,

22. ito ang palatandaan: kapag hindi nangyari o nagkatotoo ang sinabi niya, iyon ay hindi mula kay Yahweh; ang mensahe niya ay gawa-gawa lamang niya. Huwag ninyo siyang katatakutan.