Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 15:20-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Ito ay kakainin ninyo sa harapan ni Yahweh, sa lugar na pipiliin niya.

21. Ngunit kung may kapansanan ang panganay na hayop, bulag o pilay, huwag ninyo itong ihahandog kay Yahweh na inyong Diyos.

22. Ito'y maaaring kainin sa bahay, tulad ng pagkain ninyo sa isang usa. Pati ang taong itinuturing na marumi ay maaaring kumain nito.

23. Huwag ninyong kakainin ang dugo; kailangang patuluin ito sa lupa.