Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 15:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Ang bawat ikapitong taon ay gagawin ninyong taon ng pagpapatawad sa mga may utang sa inyo.

2. Ganito ang inyong gagawin: huwag na ninyong sisingilin ang kababayan ninyong may utang sa inyo, sapagkat ito'y taon ng pagpapatawad na itinakda ni Yahweh.

3. Ang mga dayuhan lamang ang sisingilin ninyo, at hindi ang inyong mga kababayan.