Magandang Balita Biblia Revisi

Deuteronomio 14:25-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. ipagbili ninyo iyon, at dalhin ang pinagbilhan sa lugar na pinili niya.

26. Pagdating doon, bumili kayo ng anumang gusto ninyo: baka, tupa, alak, o inuming nais ninyo at siya ninyong pagsalu-saluhang mag-anak bilang pagdiriwang sa harapan ng Diyos ninyong si Yahweh.

27. Ngunit huwag ninyong kalilimutang bigyan ang mga Levita sa inyong lugar, yamang sila'y walang kaparte sa lupaing minana ninyo.

28. “Tipunin ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong ani tuwing ikatlong taon.

29. Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga dayuhang kasama ninyo, ang mga ulila, at ang mga balo. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong mga gawain.