43. Ngunit hindi kayo nakinig sa akin. Sinuway ninyo ang utos ni Yahweh at nagpatuloy kayo sa inyong paglusob.
44. Kaya naman parang mga bubuyog na dinagsa kayo ng mga Amoreo; ginapi nila kayo at tinugis hanggang Horma.
45. Dumaing kayo kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo pinakinggan o pinansin man lamang.
46. “Kaya, napilitan kayong tumigil nang matagal sa Kades.