1. Ito ang mga katuruan ng Mangangaral, ang anak ni David na hari ng Israel.
2. “Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral.
3. Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?
4. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig.
5. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan.
6. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot.