Magandang Balita Biblia Revisi

3 Juan 1:11-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Minamahal, huwag mong tularan ang masamang halimbawang ito. Ang tularan mo ay ang mabuti, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay anak ng Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakakilala sa Diyos.

12. Mabuti ang sinasabi ng lahat tungkol kay Demetrio, at iyan ay makikita sa kanyang magandang pag-uugali. Iyan din ang aming patotoo, at alam mong totoo ang sinasabi namin.

13. Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito.

14. Inaasahan kong magkikita tayo at makakapag-usap sa lalong madaling panahon.

15. Sumaiyo nawa ang kapayapaan.Kinukumusta ka ng ating mga kaibigan dito. Ikumusta mo rin ako sa lahat ng ating mga kaibigan diyan.