Magandang Balita Biblia Revisi

3 Juan 1:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya—Para kay Gayo na lubos kong minamahal.

2. Mahal kong Gayo, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan.

3. Tuwang-tuwa ako nang dumating ang ilang kapatid at ibalitang ikaw ay tapat sa katotohanan at talagang namumuhay ayon dito.

4. Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.

5. Mahal kong kaibigan, ang iyong paglilingkod sa mga kapatid kahit sa mga hindi mo kilala ay nagpapatunay na tapat ka.

6. May mga nagbabalita sa iglesya rito tungkol sa iyong pag-ibig. Sana'y tulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat gawin sa mga lingkod ng Diyos,