Magandang Balita Biblia Revisi

2 Samuel 9:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Minsa'y nagtanong si David, “Mayroon pa bang nalalabi sa sambahayan ni Saul? Gusto kong ipadama sa kanya ang aking kagandahang-loob alang-alang kay Jonatan.”

2. Nang buháy pa si Saul, may alipin siyang Ziba ang pangalan, kaya't ipinatawag ito ni David. Paglapit ni Ziba, tinanong siya ng hari, “Ikaw ba si Ziba?”“Ako nga po, mahal na hari” tugon niya.