Magandang Balita Biblia Revisi

2 Samuel 15:4-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Idinaragdag pa niya ang ganito: “Kung ako sana'y isang hukom ng bansa, tatanggapin ko ang bawat kasong dadalhin sa akin ng sinuman, at bibigyan ko siya ng katarungan.”

5. Ang bawat lumapit upang magbigay-galang sa kanya ay agad niyang hinahawakan at hinahagkan.

6. Ganito ang laging ginagawa ni Absalom sa mga Israelitang humihingi ng katarungan sa hari, kaya't nakuha niya ang loob ng mga ito.

7. Lumipas ang apat na taon at sinabi ni Absalom sa hari, “Pahintulutan ninyong magpunta ako sa Hebron upang tuparin ko ang aking panata kay Yahweh.

8. Nang nakatira pa ako sa Gesur ng Aram ay nangako ako nang ganito: ‘Kung loloobin ni Yahweh na ako'y makabalik sa Jerusalem, pupunta ako at sasamba sa kanya.’”