Magandang Balita Biblia Revisi

2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan at pagkakataon. Nawa'y sumainyong lahat ang Panginoon.

17. Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat.

18. Sumainyo nawang lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.