Magandang Balita Biblia Revisi

2 Mga Hari 6:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Minsan, lumapit kay Eliseo ang pangkat ng mga propetang pinapamahalaan niya. Sinabi nila, “Maliit na po para sa amin ang aming tirahan.

2. Kung papayag kayo, pupunta kami sa Jordan at puputol kami roon ng kahoy na gagawin naming bahay.” Pumayag naman si Eliseo.

3. Sinabi ng isa sa kanila, “Kung maaari po ay sumama kayo sa amin.”“Sige, sasama ako,” sagot niya.