Magandang Balita Biblia Revisi

2 Mga Hari 3:3-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ngunit tulad ni Haring Jeroboam na anak ni Nebat, si Joram ay naging dahilan din upang magkasala ang Israel at hindi niya ito pinagsisihan.

4. Maraming tupa si Haring Mesa ng Moab at taun-taon ay nagbubuwis siya sa Israel ng sandaang libong kordero at balahibo ng sandaang libong tupa.

5. Ngunit nang mamatay si Ahab, naghimagsik siya laban sa Israel.