Magandang Balita Biblia Revisi

2 Mga Hari 3:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, si Joram namang anak ni Ahab ay nagsimulang maghari sa Israel. Labindalawang taon siyang naghari sa Samaria, ang kabisera ng Israel.

2. Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Subalit hindi siya naging kasinsama ng kanyang ama o ng kanyang ina na si Jezebel sapagkat ipinaalis niya ang rebulto ni Baal na ipinagawa ng kanyang ama.