Magandang Balita Biblia Revisi

2 Mga Hari 2:22-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Mula noon, naging malinis ang tubig na iyon gaya ng sinabi ni Eliseo.

23. Mula sa Jerico, pumunta siya sa Bethel. Sa daan, may mga kabataang lumabas mula sa bayan at pakutyang sinabi sa kanya: “Umalis ka rito, kalbo! Umalis ka rito, kalbo!”

24. Nilingon niya ang mga kabataang iyon at sinumpa sila sa pangalan ni Yahweh. Mula sa kagubata'y lumabas ang dalawang babaing oso at nilapa ang apatnapu't dalawa sa mga kabataang kumukutya sa kanya.

25. Mula roo'y nagtuloy siya sa Bundok ng Carmel bago bumalik sa Samaria.