Magandang Balita Biblia Revisi

2 Mga Hari 18:34-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

34. Ang Samaria ba'y nailigtas ng mga diyos ng Hamat, ng Arpad, ng Sefarvaim, ng Hena at ng Iva nang lusubin ito ng aming hari?

35. Kung ang bayan nila'y hindi nailigtas ng mga diyos na iyon laban sa aming hari, paano ngang maililigtas ni Yahweh ang Jerusalem?”

36. Hindi sumagot kahit isang salita ang mga tao sapagkat iyon ang bilin ni Haring Ezequias.

37. Pinunit nina Sebna, Joa at Eliakim na anak ni Hilkias ang kanilang kasuotan at nagbalik kay Ezequias. Isinalaysay nila sa hari ang sinabi sa kanila ng opisyal ng Asiria.