Magandang Balita Biblia Revisi

1 Timoteo 1:2-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya.Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag at kapayapaang buhat sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

3. Gaya ng ipinakiusap ko sa iyo bago ako pumunta sa Macedonia, nais kong manatili ka sa Efeso upang utusan mo ang ilang tao diyan na huwag magturo ng maling aral,

4. at huwag nilang pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Iyan ay pinagmumulan lamang ng mga pagtatalo at hindi nakakatulong sa tao upang matupad ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.

5. Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya.

6. May ilang tumalikod sa mga bagay na ito at nalulong sa walang kabuluhang pakikipagdebate.

7. Nais nilang maging tagapagturo ng kautusan gayong hindi naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi at ang kanilang ipinagpipilitang ituro.

8. Alam naman nating ang Kautusan ay mabuti kung ginagamit sa tamang paraan.