Magandang Balita Biblia Revisi

1 Pedro 1:23-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos.

24. Ayon sa kasulatan,“Ang lahat ng tao ay tulad ng damo,gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak,

25. ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.”At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.