Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Taga-Tesalonica 5:25-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.

26. Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang kapatid kay Cristo.

27. Ipinapakiusap namin sa inyo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid.

28. Sumainyo nawa ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.