Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Taga-Tesalonica 5:22-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.

23. Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

24. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.

25. Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.

26. Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang kapatid kay Cristo.

27. Ipinapakiusap namin sa inyo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid.

28. Sumainyo nawa ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.