Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Taga-Tesalonica 5:21-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti.

22. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.

23. Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

24. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.

25. Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.

26. Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang kapatid kay Cristo.