Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Taga-Tesalonica 3:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Mataimtim naming idinadalangin araw-gabi na kayo'y muli naming makita at mapunuan ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya.

11. Loobin nawa ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesus na makapunta kami diyan sa inyo.

12. Nawa'y pasaganain at pag-umapawin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo.

13. Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang.