Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Hari 4:1-6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1-6. Ito ang matataas na opisyal ni Solomon nang siya'y hari ng buong Israel:Pari: Azariah na anak ni ZadokKalihim ng Pamahalaan:Elihoref at Ahias na mga anak ni SisaTagapag-ingat ng mga Kasulatan:Jehoshafat na anak ni AhiludPinakamataas na pinuno ng hukbo:Benaias na anak ni JoiadaMga Pari: Zadok at AbiatarTagapamahala sa mga punong-lalawigan:Azarias na anak ni NatanTagapayo ng Hari:Ang paring si Zabud na anak ni NatanKatiwala sa palasyo: AhisarTagapangasiwa sa sapilitang paggawa:Adoniram na anak ni Abda

7. Naglagay din si Solomon ng labindalawang punong-lalawigan. Bawat buwan, isa sa kanila ang nag-iipon at nagpapadala ng pagkain para sa hari at kanyang sambahayan.

8. Ito ang kanilang mga pangalan: si Benhur, sa kabundukan ng Efraim;

9. si Ben-dequer ang sa Macaz, Saalbim, Beth-semes, at Elon-behanan;

10. si Ben-hessed, sa Arubot; sa kanya rin ang Socoh at ang buong lupain ng Hefer.