Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Hari 4:10-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. si Ben-hessed, sa Arubot; sa kanya rin ang Socoh at ang buong lupain ng Hefer.

11. Sa kataasan ng Dor, si Ben-abinadab, na manugang ni Solomon—asawa ni Tafath.

12. Si Baana, anak ni Ahilud, ang sa Taanac at Megido, kabila ng Jokneam. Sakop din niya ang buong Beth-sean sa ibaba ng Jezreel, buhat sa Beth-sean hanggang sa Abel-mehola na nasa tabi ng Zaretan.

13. Si Ben-geber ang sa Ramot-galaad. Kanya ang mga kampo ni Jair na anak ni Manases sa lupain ng Gilead. Kanya rin ang sakop ng Argob sa lupain ng Bashan—animnapung lunsod na napapaligiran ng pader at may kandadong tanso sa mga tarangkahan.

14. Sa Mahanaim naman ay si Ahinadab na anak ni Iddo,

15. at si Ahimaaz, asawa ni Basemat na anak ni Solomon ang sa Neftali.

16. Si Baana na anak ni Husai ang sa Asher at sa Alot,

17. at si Jehoshafat na anak ni Parua ang sa Isacar.

18. Sa Benjamin ay si Simei na anak ni Ela,

19. samantalang si Geber na anak ni Uri ay inilagay niya sa Gilead, sa lupain ni Sihon, hari ng mga Amoreo, at ni Og, hari ng Bashan.At mayroon pang isang pinuno sa mga sariling lupain ng hari.

20. Parang buhangin sa tabing-dagat sa dami ang mga mamamayan sa Juda at Israel. Sagana sila sa pagkain at inumin at masaya silang namumuhay.

21. Napasailalim sa kaharian ni Solomon ang lahat ng kaharian mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hangganan ng Egipto. Nagbabayad sila ng buwis at naglilingkod sa kanya habang siya'y nabubuhay.