Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Hari 14:29-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

29. Ang ibang mga ginawa ni Rehoboam ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.

30. Patuloy ang labanan ni Rehoboam at ni Jeroboam sa panahon ng kanilang paghahari.

31. Namatay si Rehoboam at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno sa Lunsod ni David. Ang ina niya'y isang Ammonita na ang pangala'y Naama. Humalili sa kanya si Abiam na kanyang anak.