Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 7:1-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang mga anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.

2. Ang mga anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga pinuno ng kanilang sambahayan ayon sa talaan ng lahi ng kanilang ama. Ang mandirigma nila noong panahon ni David ay umabot sa 22,600.

3. Ang anak ni Uzi ay si Izrahias at ang mga anak naman nito ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias. Ang limang ito ay mga pinuno rin.

4. Ang kanilang mga angkan ay may 36,000 mandirigma, sapagkat mas marami silang asawa't mga anak na lalaki.

5. Ang mga mandirigma sa lipi ni Isacar ay umaabot sa 87,000.

6. Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael.

7. Sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri naman ang mga anak ni Bela. Sila'y mga pinuno ng kanilang sambahayan at pawang mga mandirigma. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,034.

8. Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet.

9. Sila'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 20,200.

10. Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.

11. Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200.

12. Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dan ay si Husim at ang angkan ni Aher.

13. Ang mga anak ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Buhat sila sa lahi ni Bilha.