Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 5:10-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Noong panahon ni Haring Saul, sinalakay at tinalo ng mga Rubenita ang mga Hagrita, at tumira sila sa lupain ng mga ito sa silangang panig ng Gilead.

11. Sa dakong hilaga ni Ruben nanirahan ang mga anak ni Gad, mula sa lupain ng Bashan hanggang Saleca.

12. Sa Bashan, ang pinuno ng unang angkan ay si Joel, at si Safam naman ang sa pangalawang angkan. Sina Janai at Safat ay mga pinuno rin ng iba pang angkan doon.

13. Kabilang pa rin sa lipi ni Gad sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber. Ang pitong ito

14. ay mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead at apo ni Micael na anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jahdo at apo ni Buz.

15. Ang kanilang pinuno ay si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni.

16. Nanirahan ang mga ito sa mga bayang sakop ng Bashan at Gilead hanggang sa malawak na pastulan ng Saron.

17. Ang mga talaang ito ay isinaayos nang si Jotam ay hari ng Juda, at si Jeroboam naman ang hari sa Israel.