Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 26:4-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Pinagpala ng Diyos si Obed-edom. Binigyan siya ng walong anak na lalaki; si Semaias na panganay, kasunod sina Jehozabad, Joa, Sacar, Natanel,

5. Amiel, Isacar, at Peulletai.

6. Si Semaias ay may mga anak na naging pinuno ng kanilang sambahayan, sapagkat sila'y mahuhusay at bihasa. Ang pangkat ng mga ito'y binubuo

7. nina Otni, Refael, Obed, Elzabad, at ang dalawa pa niyang anak na matatapang din, sina Elihu at Semaquias.

8. Ang mga anak at apo ni Obed-edom na pawang may kakayahang maglingkod ay animnapu't dalawa.

9. Labing-walo naman ang mga kamag-anak na pinamumunuan ni Meselemias at pawang matatapang din.