Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 16:23-40 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan,ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan.

24. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian.Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan.

25. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan,siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.

26. Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang,ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan.

27. Kanya ang kaluwalhatian at karangalan,lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan.

28. Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa,dapat siyang kilalanin na marangal at dakila.

29. Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan,bawat isa'y lumapit at siya ay handugan.Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,

30. sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa.Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa.

31. Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa.“Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita.

32. Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon,ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh.

33. Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatansa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan.

34. Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan;pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

35. Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban;upang aming pasalamatan ang banal mong pangalanat purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”

36. Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel,purihin siya ngayon at magpakailanman!Pagkatapos, ang buong bayan ay sumagot ng “Amen,” at nagpuri kay Yahweh.

37. Si Asaf at ang kanyang mga kamag-anak ay inatasan ni David na mangasiwa sa pagsambang idinaraos araw-araw sa lugar na kinalalagyan ng Kaban ng Tipan.

38. Si Obed-edom kasama ang animnapu't walong kamag-anak niya ang tutulong sa kanila. Si Obed-edom na anak ni Jeduthun at si Hosa naman ang magbabantay sa pinto.

39. Inatasan naman ni David si Zadok at ang mga kamag-anak nitong pari na maglingkod sa tabernakulo ni Yahweh sa Burol ng Gibeon.

40. Umaga't gabi, ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Yahweh para sa Israel, patuloy silang nag-aalay ng mga handog na susunugin sa altar.